^

Bansa

18 ahensiya tutok sa papal visit

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Labing-walong ahensiya ang tututok sa pagbisita ni Pope Frances sa bansa sa Enero 2015 upang matiyak na mabibigo ang anumang tangkang pananabotahe sa kaligtasan nito.

Pangungunahan ng PNP, AFP at Presidential Security Group (PSG) ang 24 oras na pagbibigay seguridad sa Santo Papa at sa mga lugar na pupuntahan nito.

“The committee is composed of 18 government agencies, including the PNP, the Armed Forces of the Philippines, among others. We want to emphasize that this is a whole of government approach in securing the papal visit this January,” pahayag ni AFP spokesman C/Supt. Wilben Mayor.

Una rito, binuo ang Joint Task Force (JTF) Papal Visit 2015. Sa ilalim ng JTF, binuo naman ang Task Group Manila at Task Group Leyte na tumutok sa lungsod ng Maynila at Leyte na bibisitahin ni Pope Francis.

Sinabi naman ni AFP chief Public Affairs spokesman Lt. Col. Harold Cabunoc na dalawang batalyon ang sumasailalim sa training kabilang ang mga peacekeepers galing Haiti at Golan Heights na itinalagang mangalaga sa kaligtasan ng Santo Papa.

Bagaman wala naman silang namomonitor na banta sa seguridad sa pagbisita ng Papa ay mas mabuti na anya ang nakahanda sa lahat ng oras ng hindi maisahan ng mga armado at teroristang grupo.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

GOLAN HEIGHTS

HAROLD CABUNOC

JOINT TASK FORCE

PAPAL VISIT

POPE FRANCES

POPE FRANCIS

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

PUBLIC AFFAIRS

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with