Mga preso hihirit ng clemency kay Pope
MANILA, Philippines - Hihiling ng clemency ang mga preso sa New Bilibid Prison sa pagdalaw sa bansa ni Pope Francis sa Enero 2015.
Ayon kay Msgr. Bobby Olaguer, chaplain ng NBP, ito ang apela ng mga preso sa maximum detention sa pagdating ng Santo Papa sa bansa bukod pa sa pagnanais na matugunan ang congestion sa mga bilangguan.
Sinabi ni Olaguer na hindi naman ginagamit ng Pangulong Aquino ang kanyang kapangyarihan na magbigay ng executive clemency o mapababa ang sintensiya ng mga karapat dapat na preso kaya’t patuloy naman ang pagsisikip ng bilangguan.
Ipinaliwanag pa ni Olaguer, ang pagbisita ng Santo Papa sa bansa ay “ Mercy and Compassion” kung kaya’t marapat lamang na ipakita ito ng Pangulong Aquino sa mga preso na matagal na sa Bilibid.
Una na ring lumiham ang mga bilanggo sa Santo Papa na humihiling na madalaw sa kulungan subalit base sa itinerary ni Pope Francis, hindi ito kabilang sa mga lugar na mapupuntahan.
Base sa report, may 14, 800 ang mga nakakulong sa maximum prison ng NBP. (Doris Franche-Borja)
- Latest