Pinas uutang ng P300-B sa 2015
MANILA, Philippines - Uutang ang gobyerno ng nasa P300 bilyon sa 2015 upang ipandagdag sa P2.6 trilyon General Appropriations Act (GAA) o pambansang budget sa susunod na taon.
Aminado si Sen. Chiz Escudero, chairman ng Senate Finance Committee, na kulang ang inaasahang koleksiyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs kaya kinakailangan muling umutang ang gobyerno.
“Yong mga balance uutangin more or less P300 billion,” sabi ni Escudero.
Inaasahan umano na makakakolekta ang BIR at BOC ng P2.3 trilyon kung saan P1.8 trilyon ang magmumula sa BIR at 450 bilyon ang sa Customs.
Nilinaw naman ni Escudero na hindi na uutangin ng bansa sa International Monetary Fund (IMF) ang P300 bilyon.
Ang mga economic managers aniya ng bansa ang magdedesisyon kung saan kukunin ang P300 bilyon.
Plano na umanong utangin ang 80% ng P300 bilyon sa domestic loans habang ang 20% ay foreign denominators loans.
- Latest