Illegal recruiters sa social media
MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa publiko na maging sa social media ay naglipana ang mga kawatan na nais makapanloko sa mga manggagawang nangangarap mangibang bansa.
Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, halos araw-araw ay nakakakita sila ng mga post, advertisement at accounts sa social media na nag-aalok ng trabaho sa ibayong dagat.
Kaagad naman aniya nila itong biniberipika at nadidiskubreng wala ito sa kanilang database.
Sinabi ni Cacdac na nito lamang Biyernes ay dalawang post na sa Facebook ang kanilang nakita na nag-aalok ng trabaho sa Nigeria at Russia.
Iginiit ni Cacdac na ipinanglalansi o patibong lang ng mga illegal recruiter ang malaking sweldo upang mahikayat ang mga OFWs.
Binigyang-diin naman ni Cacdac na lahat ng mga legal na recruitment agency ay nasa website na poea.gov.ph lamang.
- Latest