^

Bansa

MMDA makikipag-usap sa mall owners vs trapik

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Planong kausapin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang mga operator ng shopping malls para sa pagpapatupad ng “staggered schedule” upang maibsan lamang ang inaasahang kalbaryo ng trapiko ngayong Kapaskuhan.

Ayon sa MMDA dahil sa nalalapit na ang buwan ng Kapaskuhan, inaasahang dudumugin ang mga shopping mall ng mga mamimili lalu pa’t ang karamihan dito ay nakatanggap na ng 13th month pay.

Sa “staggered schedule” maari umanong magbukas ang ibang mall ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi habang ang iba naman ay maaring magbukas mula alas-10:00 ng umaga hanggang hatinggabi.

Pinayuhan ni Tolentino ang mga shopper na gawin na ang kanilang pamimili ng mas maaga upang makaiwas sa holiday rush at  hindi na maabala pa sa inaasahang matinding trapik malapit sa mga malls. (Lordeth Bonilla)

AYON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

KAPASKUHAN

LORDETH BONILLA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PINAYUHAN

PLANONG

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with