Akusado sa Maguindanao massacre pinayagang magpagamot sa ospital
MANILA, Philippines - Pinayagan ng QC court ang isang police officer na akusado sa Maguindanao massacre upang makapagpagamot sa ospital dahil sa mga iniinda nitong sakit.
Sa dalawang pahinang kautusan, inatasan ni QC RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes si Jail Senior Inspector Lloyd Gonzaga, warden ng QC Jail Annex na makipag-ugnayan sa Taguig Pateros District Hospital para sa takdang pagsasailalim sa ultrasound kay PO1 Sandy Sabang.
Sa kanyang urgent ex-parte motion, sinabi ni Sabang na batay sa ipinalabas na medical certificate ng police doctor na si Sr. Insp. Jaime Claveria Jr. na siya ay may nephrolithiasis at dapat sumailalim sa gamutan sa pinaka malapit sa ospital.
Una rito, pinayagan din ni Judge Solis-Reyes ang prime suspect sa masaker na si Andal Ampatuan Sr. para magpagamot sa alinmang ospital sa Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, Veterans Memorial Medical Center at Philippine General Hospital (PGH) dahil kumpleto ito sa mga serbisyo ng mga cardiologist, nephrologist, pulmonologist at gastroenerologist.
- Latest