Smartmatic kinontra ang mga kritiko
MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Smartmatic ang mga paratang ng ilang grupo na nagsusulong ng pagbalik sa “manual count” dahil diumano’y maaaring magamit sa pandaraya ang mga precinct count optical scan (PCOS) sa 2016 national elections.
“Luma ang pag-iingay ng mga grupo na biglang sumulpot sa pagsapit ng bidding sa Comelec. Bagaman, hinahamon namin silang mag-petisyon sa Comelec o Supreme Court,” sabi ni Cesar Flores, president ng Smartmatic Philippines.
Tinutukoy ni Flores ang nalalapit na bidding na isasagawa ng Comelec para sa kontrata sa pag-supply ng P2 bilyon halaga ng bagong automated voting machines at refurbishment ng 82,000 units ng precint count optical scan (PCOS) machines na nabili mula sa Smartmatic.
Nagpahayag ang Smartmatic sa Comelec ng intensiyon nitong makibahagi sa bidding para sa refurbishing PCOS machines.
Sabi ni Flores, “Being the manufacturers of the PCOS machines, we could provide the best services such as maintenance, upgrade, and refurbishing to the poll body.”
Bago nito, sumulpot ang isang bagong grupo na nagbabala ng isang “electronic manipulation” ng bilangan ng boto sa 2016.
Ang Citizens for Clean and Credible Elections (C3E) ay nanawagan sa Comelec para isapuwera ang Smartmatic sa proseso ng eleksiyon.
Walang katuturan ang mga paratang na ito, sabi ni Flores, “as manufacturers of the machines, Smartmatic can provide any services of maintenance, upgrade and refurbishing to Comelec. “
- Latest