^

Bansa

ERC Chair Ducut, 3 pa kinasuhan sa Ombudsman

Butch Quejada at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagsampa ng kaso ang dalawang kongresista sa tanggapan ng Ombudsman laban sa mga opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa diumano’y sabwatan sa mga generation companies para itaas ang singil sa kuryente noong isang taon.

Kinasuhan sa OMB nina Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares at Rep. Carlos Isagani Zarate sina Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Zenaida Ducut at ang tatlo pang Commissioner ng ERC na sina Alfredo Non, Gloria Victoria Yap- Taruc at Josefina Patricia Asirit

Sabi ni Colmenares sa kanyang 12 pahinang reklamo kina Ducut at mga kasamahan nito na puro pangako na lamang ang pinaggagawa ng ERC para ilabas ang resulta ng imbestigasyon sa sabwatan ng energy sector pero hangga’t ngayon ay hindi pa nila ito inilalabas at sa tingin niya ay nagpapabaya sa tungkulin ang mga opisyal ng ERC.

Ayon kay Colmenares, tumaas ng P4.15 kilowatt hour ang singil sa kuryente sa mga consumer nito na inaprubahan naman ng ERC.

ALFREDO NON

AYON

BAYAN MUNA

CARLOS ISAGANI ZARATE

CHAIRPERSON ZENAIDA DUCUT

COLMENARES

ENERGY REGULATORY COMMISSION

GLORIA VICTORIA YAP

JOSEFINA PATRICIA ASIRIT

NERI COLMENARES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with