BPI Globe BanKO, nagpaliwanag sa allowances ng mga QC teachers
MANILA, Philippines - Nananatiling positibo ang partnership ng QCLGU at ng BPI Globe BanKO partikular ang may kinalaman sa disbursement ng allowances ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa lungsod. Ito ang naging pahayag ni BPI Globe BanKO President John Rubio bilang reaksiyon sa ulat na pagka-delay ng allowances ng naturang mga guro ng may ilang buwan dahil na rin sa paglilipat ng disbursement sa kanilang banko.
“The QC LGU is a forerunner in adopting e-governance and we fully support their goals for greater transparency and efficiency. But as with any change, resistance to new technologies and innovations can be expected.” dagdag ni Rubio.
Ang BPI Globe BanKO, ang unang mobile-based saving bank sa bansa na nagpapatupad ng electronic disbursement facility sa mga credits accounts sa tamang panahon at oras. Ang BanKO ay kinuha ng QC government noong December 2013 bilang isang disbursement platform kayat epektibo nitong naipamamahagi ang supplemental allowances ng may 13,000 QC public school teachers at mga tauhan dito.
“Our BanKOLink clients are provided access to our web-based user interface and have full control of the accounts that receive disbursements, the amount disbursed per account, as well as the schedule for releases” pahayag ni Rubio.
Nilinaw pa nito na ang lahat ng BanKO accounts ay maaaring gamitin kahit walang load at maaaring gamitin sa kahit anung mobile phone. Ang mga Accountholders anya ay nakakatanggap din ng rebates kapag namimili gamit ang kanilang BanKO accounts kasama pa dito ang pagkakaroon ng 3% interest, walang maintaining balance, may mababang rates sa pagpapadala ng pera at mabilis na pagbabayad ng bills at maka -access sa microinsurance at microloans.
Magugunitang naunang sinabi ni Aldrin Cuna, city administrator ng QC na maibibigay naman ang tatlong buwang allowances ng mga public school teachers ng lungsod, na delay lamang dahil sa pagpapalit nila ng banko.
- Latest


















