Janitor nalo ng P16-M sa lotto
MANILA, Philippines - Isang janitor ang masuwerteng naka-jackpot ng 6/49 lotto draw noong Nov. 4 na nagkakahalaga ng P16 milyon, ayon kay PCSO acting chairman Jose Ferdinand Rojas II.
Ang solo winner ng kumbinasyong 21-43-11-03-29-47 sa Nov. 4 6/49 lotto draw ay isang 25-anyos na binata na government employee mula sa Quezon City.
Limang taon nang tumataya sa lotto ang janitor at ang kumbinasyon ay mula sa mga kaarawan ng kanyang mga kapatid at magulang kung saan ay P40 lamang ang kanyang taya.
Plano ng lotto winner na bumili ng lupa at bahay, maglaan para sa pag-aaral ng mga kapatid at ilaan para sa kinabukasan ang ibang napanalunan. Kinuha ng janitor ang kaniyang P16 milyong jackpot prize mula kay Atty. Rojas sa PCSO head office sa Mandaluyong City.
- Latest


















