^

Bansa

3 paliparan, 14 pantalang sinira ni Yolanda ayos na – DOTC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bago sumapit ang unang anibersaryo ng paghagupit ng bagyong Yolanda sa bansa ay natapos nang ayusin ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang mga paliparan at pantalang sinira ng kalamidad.

Sa pakikipagtulungan ng DOTC sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ng  Philippine Ports Authority (PPA)ay “fully repaired” na ang Kalibo International Airport, Roxas Airport  at Busuanga Airport.

Samantala, patuloy pa rin ang paglalagay ng aspalto sa runway ng Tacloban Airport kaya naman tanging malilitt na eroplano pa lamang ang nakakagamit nito.

Umabot naman sa P41.2 milyon ang nagastos ng gobyerno sa pagpapagawa ng 14 na pantalan kabilang ang Port of Naval sa Biliran, Ports of Danao, San Carlos, at Pulupandan sa Negros Occidental, Ports of Coron, Culion, Cuyo, at El Nido sa Palawan,  Port of Matnog sa Sorsogon, The Ports of Legazpi, Tabaco at Pasacao sa Albay, Port of Maasin sa Southern Leyte at Sta. Fe Port sa Bantayan, Cebu.

Dagdag ng ahensya na nagsagawa rin ng rehabilitasyon ang CAAP sa Ormoc at Guiuan Airports.

vuukle comment

BUSUANGA AIRPORT

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

EL NIDO

FE PORT

GUIUAN AIRPORTS

KALIBO INTERNATIONAL AIRPORT

NEGROS OCCIDENTAL

PHILIPPINE PORTS AUTHORITY

PORT OF MAASIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with