^

Bansa

Trillanes may pasabog pa kay Binay bukas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tila hindi nauubusan ng bala si Senador Antonio Trillanes IV matapos niyang ihayag ngayong Miyerkules na maglalabas pa siya ng ebidensya sa aniya'y pangungurakot ni Bise Presidente Jejomar Binay bukas.

"Tomorrow meron kaming mga bagong information na ilalabas in relation sa corrupt activities ni Vice President Binay," wika ng senador.

Aniya, pag-uusapan din bukas sa senado ang umano'y overpriced na gusali ng Makati City Science High School building na susuportahan ng mga hawak niyang ebidensya.

"Let's just say it's equally scandalous," patukoy ni Trillanes sa ebidensya.

Samantala, nakahanda ang senado bukas sa maaaring pagdating ni Binay na inimbitahan nila upang depensahan ang sarili.

Ilang beses nang inanyaya ang bise presidente na dumalo sa pagdinig ngunit hindi siya tumuloy.

"What he does or will not do, siya ang accountable doon, si Vice President Binay," banggit ni Trillanes. "Kapag hindi siya magpakita, ibig sabihin hindi mo talaga mapagkakatiwalaan itong taong ito."

Kung sakali namang dumalo si Binay bukas ay nagpaaala ang senador na dapat ay handa ang bise presidente sa mga mangyayari.

"He should have prepared for this.”

ANIYA

BINAY

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

ILANG

KAPAG

MAKATI CITY SCIENCE HIGH SCHOOL

SENADOR ANTONIO TRILLANES

TRILLANES

VICE PRESIDENT BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with