^

Bansa

‘Paeng’ nagbabanta sa Bicol

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy na nagbabanta ang bagyong Paeng sa Bicol region matapos pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kahapon.

Alas-11 kahapon ng umaga, si Paeng ay namataan ng Pagasa sa layong 1,100 kilometro silangan ng Legazpi City taglay ang lakas ng ha­ngin na umaabot sa 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 120 kilometro bawat oras.

Bagamat si Paeng ay hindi gaanong makakaapekto sa bansa ay palalakasin naman nito ang hanging amihan na magdudulot ng malala­king alon sa karagatan ng Central at Southern Luzon kaya pinapayuhan ang mga mangingisda na gamit ay bangka na iwasan munang puma­laot dahil sa banta ng mala­laking alon sa karagatan doon.

Maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at karatig lalawigan. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BAGAMAT

BICOL

CRUZ

LEGAZPI CITY

MAALIWALAS

METRO MANILA

PAENG

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

SOUTHERN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with