Hukom pinagmulta sa mga atrasadong desisyon
MANILA, Philippines - Kinastigo ng Korte Suprem ang isang hukom na nakatalaga sa Lapu-Lapu City, Cebu dahil sa kabiguan nitong aksyunan sa tamang panahon ang may 191 kasong nasa kaniyang sala.
Sa kautusan, napatunayan na guilty si Judge Benedicto Cobarde, dating huwes ng Lapu-Lapu City Regional Trial Court (RTC) Branch 53, na naging atrasado sa paghatol sa 73 criminal cases, 112 civil at special proceedings cases bukod pa sa 6 na cadastral cases o may kaugnayan sa lupa.
Nilinaw pa ng SC na hindi lamang ito ang unang pagkakataon dahil may 35 administrative cases pang naihain laban sa kaniya kaya sapat na umanong patawan si Cobarde ng multang P100,000.
Nadiskubre lamang ang santambak na mga kasong hindi naaksiyunan ni Cobarde nang siya ay mag-requet ng Certificate of Clearance, na kinailangan niya sa application for compulsory retirement benefits. (Ludy Bermudo)
- Latest