Pagsama ng P550 terminal fee sa airline tickets pinigil ng korte
MANILA, Philippines - Ipinatigil ng korte ng Pasay City ang pagpapatupad ng bagong kautusang isama na ang P550 terminal fee sa airline tickets sa lahat ng international passengers na kabilang sa apektado ay ang mga overseas Filipino workers (OFWs).
Sa dalawang pahinang desisyon na ipinalabas kahapon ng Pasay City Regional Trial Court (RTC), Branch 109, pinaboran nito ang hirit na temporary restraining order (TRO) ng grupo ng OFWs para harangin ang implementasyon ng Integrated Terminal Fee (ITF).
Sisimulan na sana itong ipatupad ngayong araw (Nov 1), alinsunod sa nakapaloob sa Memorandum Circular (MC) 08 ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Una nang iginiit ng grupo ng Pinoy workers na taliwas ang naturang circular sa nakasaad sa Migrant Workers Act kung saan may exemption sa mga OFW sa pagbayad sa travel tax, documentary stamp at airport terminal fee.
Kung saan 19 na taon na umanong tinatamasa ng mga OFW ang benepisyong ito.
Dahil sa inilabas na desisyon ng mababang hukuman ay iiral muna ang kasalukuyang patakaran ukol sa pagkolekta ng terminal fee hanggang sa makapagpalabas ng panibagong ruling ang korte.
- Latest