^

Bansa

Iwas kulong! 6 konsehal sa Caloocan, nagpiyansa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napilitan kahapon ang anim sa 13 konsehal ng Caloocan City Council na maglagak ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan kaugnay ng kasong contempt na isinampa ng isang huwes ng Caloocan City Regional Trial Court na nag-ugat sa kasong sibil sa nabiling piraso ng lupain ng pamahalaang lungsod noong 1996.

Kabilang sa naglagak ng tig-P100, 000 piyansa, sina Councilors Susana Punza­lan, Marylou Nubla, Luis Chito Abel, Allen Aruelo,  Tolentino Bagus, at Carolyn Cunanan.  Kasama ng mga konsehal sa paglusob at pagmamartsa mula sa Caloocan City Hall kahapon ng umaga tungo sa Caloocan Hall of Justice ang higit sa 500 residente na mga naninirahan sa 6,901 metro kuwadradong lupain sa Maypajo, Caloocan.

Binigyan naman ng palugit ni Caloocan RTC Branch 125 Judge Dionisio Sison sina Caloocan Vice-Mayor Macario Asistio at ang nalalabing pito pang mga konsehal na mabayaran ang itinakdang piyansa sa loob ng limang araw o hanggang Biyernes upang hindi na magpalabas ng warrant of arrest laban sa kanila.

Sinabi ni 2nd District Councilor Bagus na nagde­sisyon siyang bayaran ang piyansa upang matapos na ang higit isang linggong alalahanin sa posibleng pagkakulong habang ina­asikaso nila ang apelang isinampa naman sa Court of Appeals.

Nilinaw naman ni Mayor Oscar Malapitan na may sapat na pondo ang pamahalaan para mabayaran ang igi­nigiit na P134 milyon bayarin ng korte para sa naturang lupain kasama ang interes mula noong 1996. Handa umanong magbayad ang lokal na pamahalaan basta naaayon sa tamang proseso kung saan kailangan pang dumaan ang usapin sa Commission on Audit at Court of Appeals.

Sa rekord, nakuha ng lokal na pamahalaan ang  naturang lupain noong Agosto 1996 buhat sa Recom Realty Corp sa halagang P49.7 milyon. Ta­n­ging P2.4 milyon lamang ang inisyal na nabayaran noong 1998  hanggang sa maiakyat ang usapin sa pagbabayad sa lupa hanggang ngayong taon.

ALLEN ARUELO

CALOOCAN

CALOOCAN CITY COUNCIL

CALOOCAN CITY HALL

CALOOCAN CITY REGIONAL TRIAL COURT

CALOOCAN HALL OF JUSTICE

CALOOCAN VICE-MAYOR MACARIO ASISTIO

CAROLYN CUNANAN

COURT OF APPEALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with