^

Bansa

Mga 75 anyos sa QC bibigyang parangal

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bibigyang parangal ng QC government ang mga residente na may edad 75-taong gulang bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-75 founding anniversary ng lunsod ngayong Oktubre.

Sa nilagdaang ordinansa ni QC Mayor Herbert Bautista na iniakda ni 4th district Councilor Raquel Malangen, kinikilala nito ang mga taga QC na nasa edad 75 dahil sa malaking naiambag sa lokal na pamahalaan sa paghubog ng komunidad na ginagalawan.

Ang mga “recipient diamond celebrants,” ay tatanggap ng cash incentive na P7,500 mula sa lokal na pamahalaan. Ang mga taga QC naman na ngayong Oktubre magiging 75 years old ay tatanggap ng P5,000. 

Tatanggap din ang mga “recipient diamond celeb­rants” at “recipient celebrants” ng plake o certificate of recognition sa gagawing flag ceremony o anumang historical program sa lunsod.

vuukle comment

BIBIGYANG

CELEBRANTS

COUNCILOR RAQUEL MALANGEN

MAYOR HERBERT BAUTISTA

OKTUBRE

RECIPIENT

TATANGGAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with