^

Bansa

Revilla pinapalipat sa regular na selda

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling iginiit ng prosekusyon sa Sandiganbayan na ilipat sa regular na selda si Sen. Bong Revilla na nahaharap sa kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.

Nakasaad sa apela ng prosekusyon na baliktarin nito ang naunang desisyon na pumapayag na manatili si Revilla sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Pinayagan noon ng graft court si Revilla na manatiling nakakulong sa Custodial Center dahil isa raw siyang high risk detainee kayat hindi siya maaaring maikulong lamang sa isang regular jail.

Gayunman, idiniin ng prosekusyon na ang mga kapwa akusado ni Revilla na sina Janet Napoles at Atty. Gigi Reyes ay isa ring mga high risk detainees at nakakulong ngayon sa regular na selda sa Camp Bagong Diwa sa Taguig pero ang mga ito anila ay nabibigyan ng sapat na seguridad ng BJMP.

Anang prosekusyon, dapat pantay-pantay lamang ang pagbibigay ng uri ng kulungan sa mga kapwa akusado ng krimen tulad ng plunder.

Si Revilla, dating chief of staff nitong si Richard Cambe at Sen. Jinggoy Estrada na pawang akusado sa graft at plunder ay nakakulong sa PNP Custodial Center sa Crame.

vuukle comment

ANANG

BONG REVILLA

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

CUSTODIAL CENTER

GIGI REYES

JANET NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

REVILLA

RICHARD CAMBE

SI REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with