^

Bansa

Habitat protection suportado ng Pinoy artists

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Suportado ng Filipino artists ang adbokasiya para pangalagaan at panatilihin ang Las Piñas-Parañaque Critical Habitat at Eco-Tourism Area (LPPCHEA), ang bird sanctuary sa Metro Manila na itinuturing na isa sa pinakamahalagang ‘wetland’ sa buong mundo.

Nagpahayag din ng papuri si Sen. Cynthia A. Villar, na patuloy na ipinagtatanggol ang pananatili ng naturang habitat, sa performer na si Lou Bonnevie at ang Earth Day Jam Foundation sa pagdaraos ng concert sa LPPCHEA.

“We recognize the need to popularize our advocacy to the masses so that more and more people will be interested in coming here and hopefully will take part in the effort to protect this haven of endangered bird species,” dagdag pa nya.

Bukod kay Bonnevie, kabilang din sa mga nagtanghal sa concert sa baybayin ng LPPCHEA ang rock bands na True Faith at Alamid.

Bago ang concert, nagkaroon ng “walking” tour sa paligid ng Freedom Island at Long Island kung saan matatagpuan ang lagoon na madalas puntahan ng migratory birds. Ipinakita rin sa mga naroroon ang iba’t  ibang uri ng puno sa naturang lugar.

Nagkaroon din ng coastal clean-up at tree-planting activity sa tulong ng DENR.

Base sa Presidential Proclamation No. 1412, ideneklarang ‘protected area’ ang 175 ektaryang LPPCHEA  na matatagpuan sa Manila Bay.

vuukle comment

CRITICAL HABITAT

CYNTHIA A

EARTH DAY JAM FOUNDATION

ECO-TOURISM AREA

FREEDOM ISLAND

LAS PI

LONG ISLAND

LOU BONNEVIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with