^

Bansa

Pinas hindi pa handa sa same sex marriage

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aminado ang isang retired Court Appeals justice na hindi pa handa ang Pilipinas na gawing ligal ang same sex marriage.

Ayon kay dating CA Justice Jose Vitug, bagama’t maraming bansa na ang sumang-ayon na gawing ligal ang same sex marriage, matatagalan pa bago ito mapayagan sa Pilipinas.

Katunayan, tila ibang direksyon pa ang tinatahak ng Pilipinas dahil isinusulong ngayon sa Kongreso ang isang panukala na nagsasabing dapat mapreserba ang kasal sa pagitan ng lalaki at babae.

Sang-ayon sa umiiral na batas, hindi pwedeng magkaroon ng same sex marriage dahil sa Family Code, kung saan nakasaad na ang “marriage is between a man and a woman.”

Gayunman, naniniwala si Vitug na dapat kilalanin ang tinatawag na property relationship ng same sex couple.

Maaari anyang maipatupad sa kanila ang articles 147 at 148 ng Family Code, ang probisyon na nanga­ngasiwa sa property relationship sa pagitan ng dalawang nagsasama nang hindi kasal.

Bukod sa Family Code, ipinaliwanag ni Vitug na mayroon ding batas tungkol sa joint venture at partnership na maaari ring ipatupad sa property relations ng same sex couple.

AMINADO

AYON

BUKOD

COURT APPEALS

FAMILY CODE

GAYUNMAN

JUSTICE JOSE VITUG

PILIPINAS

VITUG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with