‘Ompong’ pinaka malakas na bagyo ngayong 2014
MANILA, Philippines - Bagamat wala pang direktahang epekto sa bansa ang bagyong Ompong, itinuturing naman ng Pagasa na ang bagyong ito ang pinaka malakas na bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong taon.
Ito ayon sa Pagasa ay dulot ng dala nitong hangin na sobrang lakas kung ikukumpara sa bagyong Glenda at Neneng.
Alas-10 ng umaga, si Ompong ay nasa layong 1,080 kilometro silangan ng Tuguegarao City taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 215 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 250 kilometro bawat oras.
Si Ompong ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 9 na kilometro bawat oras.
Ang naturang bagyo ay inilagay na ng Pagasa bilang super typhoon o nasa Category 4 tropical cyclone at inaasahan na mananatili ito sa kanyang direksiyon at hindi magla-landfall sa anumang bahagi ng bansa.
Gayunman, patuloy na pinapayuhan ng Pagasa ang publiko na mag-ingat at maghanda sa anumang panganib na dadalhin ni Ompong sa ating bansa.
- Latest