^

Bansa

5 Pinoy dedo sa car crash sa Qatar

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang limang Pinoy sa isang vehicular accident sa Doha, Qatar.

Sa website ng DZMM, kinumpirma kahapon ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Charles Jose ang aksidente na nangyari malapit sa Hamad International Airport.

Batay naman sa impormasyon mula sa Philippine Embassy sa Doha, nasalpok ng SUV saka nasunog ang kotseng sinasakyan ng mga Pinoy sa bahagi ng Corniche-Wakra highway.

Kabilang sa nasawi ang mag-asawang Ben Chris Rivera at Joyce Rivera at ang 1-taong gulang nilang anak na si Arclian Zirc III. Patay din sina Marilou Cal at Joyce Gelli.

Nabatid na nakabase sa Qatar ang Pamilya Rivera at binisita lamang doon nina Cal at Gelli na kapwa nurse mula sa Riyadh, Saudi Arabia.

May isa pang Pinay nurse na nasugatan sa aksidente pero nasa mabuti naman nang kalagayan. Kinilala itong si Suzeth Rivera, kaanak ng nasa­wing pamilya at kasamang pumunta nina Cal at Gelli sa Qatar para sa Eid Al-Adha holiday.

Nagtamo naman ng bali sa mga binti ang driver ng SUV na 18-taong gulang na Qatari.

ARCLIAN ZIRC

BEN CHRIS RIVERA

CHARLES JOSE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DOHA

EID AL-ADHA

GELLI

HAMAD INTERNATIONAL AIRPORT

JOYCE GELLI

JOYCE RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with