Ulat panahon
MANILA, Philippines - Lumabas na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Neneng bandang alas-2:00 ng madaling-araw ng Sabado at lumayo patungong Japan, ayon sa Philippine Atmospheric Geopysical and Astronomical Services Administration. Pero, kahit nasa labas na ng Pilipinas ang bagyo, pinag-ibayo nito ang northeasterly winds. Ang Gitnang Kabisayaan, Zamboanga Peninsula at ang lalawigan ng Negros Occidental ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran ang iiral sa hilaga at silangang bahagi ng Luzon at ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran sa nalalabing bahagi ng Luzon at mula naman sa kanluran hanggang timog-kanluran sa natitirang bahagi ng bansa na may banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon ng karagatan.
- Latest
- Trending