‘Treevolution’ sa Mindanao pasok sa Guinness
NORTH COTABATO, Philippines - Hawak na umano ng Pilipinas ang pinakabagong rekord na may pinakaraming punongkahoy na naitanim sa loob lamang ng isang oras.
Sa ulat ng Treevolution: Central Monitoring Team officials, nahigitan ng mga taga-Mindanao ang rekord ng India na nakapagtanim lamang ng 1.9 milyon na puno.
Umaabot naman sa 3,066,069 ang partial count at kahapon nagpapatuloy ang pagbibilang mula sa anim na rehiyon ng Mindanao.
Target ng treevolution na makapagtanim ng nasa 4.6 milyong puno sa loob ng isang oras para opisyal na makapasok sa Guinness Book of World Records.
Ikinatuwa naman ni ARMM Environment Secretary Kahal Kedtag ang resulta ng kanilang pinaghirapan lalo na’t umabot ng halos sa isang buwan ang kanilang paghahanda para sa treevolution.
Pinasalamatan din ni Kegtag ang mga lumahok sa treevolution lalo na ang limang mga rehiyon partikular na ang pakikiisa ng AFP, PNP, MILF, mga estudyante at iba pang mga grupo. (Rhoderick Beñez)
- Latest