^

Bansa

4-day work week lalarga

Rudy Andal at Angie Dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simula sa Lunes ay apat na araw na lang ang pasok ng mga empleyado ng gobyerno sa National Capital Region bilang solusyon umano sa lumalalang trapik sa Metro Manila.

Sa resolusyon ng Civil Service Commission (CSC) na nilagdaan ni Chairman Francisco Duque, inaprubahan nila ang pagpapatupad ng 4-day work week sa go­vernment offices mula alas-8 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.

Ikinatuwa naman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang 4-day work week dahil makakabawas anya ito sa bigat ng tapiko sa lansangan.

Ang 4 days work week ay mula Lunes hanggang Huwebes na pasok sa trabaho ng mga gov’t employees o mula Martes hanggang Biyernes.

Nilinaw naman ng CSC na hindi mandatory ang kautusan at depende sa ahensiya kung kaya nitong ipatupad at hindi makakaabala sa trabaho.

Pero dapat anya ay makasunod sila sa pa­nuntunan ng CSC na mayroon silang one-stop shop at hotline duty bago sila magpatupad ng 4-day work week.

Sa panig ng Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na pag-aaralan muna ito kung puwedeng ipatupad sa Palasyo dahil na rin sa pagiging abala ng Pangulong Aquino sa kanyang mga aktibidad.

BIYERNES

CHAIRMAN FRANCISCO DUQUE

CIVIL SERVICE COMMISSION

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL CAPITAL REGION

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with