DILG, Ombudsman, BIR nagsanib vs lifestyle check
MANILA, Philippines - Nagkaisa ang tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Ombudsman at Bureau of Internal Revenue (BIR) upang magsagawa ng lifestyle check laban sa mga tiwaling opisyal at miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay DILG Sec. Mar Roxas, ito’y bilang bahagi ng pagpapalakas ng patakaran na imbestigahan ang mga kasong inihain laban sa kapulisan.
Una nang umani ng kontrobersya ang pagpapa-renovate ng ‘White House’ ni PNP Chief Director Gen. Alan Purisima sa Camp Crame na umano’y pinondohan ng P 25 M pero iginiit ng mga opisyal ng PNP na mahigit lamang sa P11 M ang nagasta na galing sa donasyon, pagpapatayo nito ng multi-milyong resthouse sa San Leonardo, Nueva Ecija at iba pa.
Si Purisima ay sinampahan ng kasong plunder, graft at indirect bribery ng Coalition of Filipino Consumers sa Ombudsman at inihihirit na isailalim sa lifestyle check.
Maging ang mastermind sa mga hulidap cops sa Edsa noong Setyembre 1 ng taong ito na si Sr. Insp. Oliver Villanueva ay lumitaw na milyonaryo na nagdeklara ng P7.3M net asset noong 2010.
Makakatuwang din ng Napolcom ang BIR para makita ang accountability ng mga pulis na isasailalim sa lifestyle check base sa pinirmahang Statement of Assets Liability and Networth (SALN).
Batay sa ulat ng Internal Affairs Service (IAS) mula Enero hanggang Hulyo 2014, 835 reklamo laban sa mga pulis ang natanggap nila, 679 ang pending, 156 ang naresolba at 731 ang iminungkahing bigyan ng disciplinary cases.
- Latest