Smuggling ng bawang iimbestigahan ng House
MANILA, Philippines – Iimbestigahan ng House Committee on Food Security ang umano’y smuggling at hoarding ng mga bigtime trading cartel sa bansa kaya nagkakaroon ng artificial na shortage sa mga pangunahing bilihin at ng bawang.
Ayon kay Butil partylist Rep. Agapito Guanlao, chairman ng komite, bubusisiin niya ang reklamo ng kooperatiba ng mga magsasaka at National Garlic Action Team (NGAT), isang multi-sectoral consultative group na binubuo ng national garlic industry, na sinisisi ang mga negosyante ng bawang sa umano’y shortage at overprice into.
Tiniyak naman ng mga miyembro ng NGAT kay Guanlao na may sapat ng bawang sa bansa kahit na sinisisi nito ang ginagawang media hype sa nasabing isyu upang masarili nito ang malaking importasyon ng bawang.
“It is evident that the media hype on the artificial shortage and the earlier issue on the import permit monopolization is the handiwork of smugglers and illegal traders who, by publicly pinning the blame on local producers, intend to ease out farmers’ cooperatives and associations from their 60 percent share in the country’s garlic importation business,” ayon pa sa mga lider ng NGAT.
Paliwanag pa ng grupo na mahigit sa dalawang dekada na nalalasap ng mga pribadong negosyante at traders kaya halos mapatay nito ang industriya ng bawang.
Subalit dahil sa desisyon ng Department of Agriculture (DA) na bigyan ng 60 porsiyento share ang mga magsasaka ng bawang bilang tulong ng gobyerno at subsidiya kaya nakabalik sila sa negosyo ng bawang at gulay na isang masamang balita naman para sa mga smugglers at traders na nagtatrabaho para mapigilan ang kanilang import share.
- Latest