^

Bansa

Magse-‘selfie’ sa standee ni Pope Francis dapat disente

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Indecent poses, vulgar dresses and anything that is disrespectful are not allowed when taking pictures with Pope Francis’ standee.” Ito ang nakasaad sa guidelines na ipinalabas ng prodyuser ng mahigit 100 pontiff’s standees na ididisplay sa mga simba­han, paaralan at iba pang lugar. Paalala sa publiko ni Fr. Anton Pascual, pa­ngulo ng church-run Radyo Ve­ritas, kahit sinumang indibidwal o grupo na nais mag-selfie sa standee ay dapat rumespeto.

“Fun is happiness. But making fun of the standee in bad faith is dis­couraged,” aniya pa.

Nilinaw din ni Pascual na ang mga pope standee ay maaari lamang ipamahagi sa mga church institutions tulad ng mga parokya, paaralan, cha­pels, religious congregations at mandated organizations na administered at operated ng Simbahang Katoliko. Dapat din aniyang mayroong person in-charge sa pangangalaga sa standee sa panahong nakalantad ito sa publiko.

“If they found any violation, fraternal correction to the leaders of the church organization and also the possibility of retrieving the standee by Radio Veritas if the standee is not properly taken care of,” ani Pascual.

Ang mahigit 100 pope standee ay ipinagawa ng Radyo Veritas kasunod nang paghahanda para sa pagbisita ng Santo Papa sa bansa sa Enero 15-19, 2015.

Nakapaglagay na ng standee ni Pope Francis sa Radio Veritas station sa Quezon City.

Plano rin umano nilang maglagay ng mga ito sa Archdiocese of Manila office sa Intramuros, Manila; Residencia sa Manila; Caritas Manila office sa Manila; National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Makati City, Layforce Center, Makati City; Christ the King parish sa Quezon City; Batasan hills, Quezon City; Dioceses of Antipolo at Pasig; Assumption, Antipolo City; Santuario de San Antonio, Makati City; Sto. Niño parish sa Tondo, Manila; Greenbelt chapel, Makati City; at Immaculate Heart of Mary sa Diliman, Quezon City.

ANTIPOLO CITY

ANTON PASCUAL

ARCHDIOCESE OF MANILA

CARITAS MANILA

CITY

MAKATI CITY

POPE FRANCIS

QUEZON CITY

RADIO VERITAS

STANDEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with