^

Bansa

La Mesa Dam umapaw

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bunga nang walang humpay na pag-ulan mula Huwebes hanggang Biyernes dahil sa bagyong Mario ay umapaw ang La Mesa dam sa Quezon City.

As of 10:30am, umabot na sa 80.17 meters ang water level sa naturang dam, mas mataas sa critical level na 80.15 meters na naging hudyat para magpa­kawala ng tubig ang naturang dam dakong alas-10:10 ng umaga kahapon.

Bunga ng pagpapakawala ng tubig sa La mesa dam, naapektuhan nito ang Tullahan river sa Quezon City, gayundin ang North Fairview at Novaliches kasama na ang CAMANAVA areas na kinabibilangan ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.

Nasa evacuation center na ang mga nailikas na residente na naninirahan malapit sa Tullahan river.

Ang pinagkaiba umano sa La Mesa sa ibang mga dams, kapag umapaw ito ay parang timba na tuloy-tuloy lang dahil sa wala itong gates na pipigil sa pagdaloy ng tubig.

Samantala nagpakawala rin ng tubig ang mga dam sa Ipo, Binga at Magat na iniabiso sa lokal na pamahalaan para mabigyang babala ang mga residente sa pagtaas ng tubig.

 

BINGA

BIYERNES

BUNGA

CALOOCAN

HUWEBES

LA MESA

NORTH FAIRVIEW

QUEZON CITY

TULLAHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with