^

Bansa

Draft ng Bangsamoro Law nasa Kongreso na

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinumite na kahapon ng Malacañang sa Kongreso ang draft ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ibinigay nina Presidential Peace Adviser Teresita Deles at Mohagher Iqbal ang kopya ng BBL kina Senate President Franklin Drilon at House Speaker Feliciano Belmonte Jr. habang nakamasid si Pa­ngulong Aquino sa isang seremonya sa Palasyo.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang mensahe, ang BBL ang inaasahang magiging tunay na susi ng kaunlaran ng Mindanao.

“Tinitiyak ko po sa inyo: Pinanday ang Bangsamoro Basic Law upang maging makatwiran, makatarungan, at katanggap-tanggap sa lahat, Moro man, Lumad, o Kristiyano,” giit ng Pa­ngulo.

Wika niya, matagal nang naiiwanan ang Mindanao sa pag-unlad kaya ang pagpasa ng BBL ang inaasahan niyang magiging daan sa tunay na pag-unlad sa Southern Philippines.

Siniguro naman nina Drilon at Belmonte na bibigyan nila ng prayoridad ang pagpasa ng BBL lalo’t sinertipikahan ni Pangulong Aquino na urgent bill ito.

Kapag naipasa na ang BBL ay magkakaroon ng plebesito sa rehiyon at ito ang papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

AUTONOMOUS REGION

BANGSAMORO BASIC LAW

DRILON

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

MINDANAO

MOHAGHER IQBAL

MUSLIM MINDANAO

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL PEACE ADVISER TERESITA DELES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with