^

Bansa

P0.58 bawas-singil sa kuryente sa buwang ito

Mer Layson at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magandang balita dahil magpapatupad ng 58 sentimo kada kilowatt hour (kwh) na bawas-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Setyembre.

Ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldarriaga, ito’y katumbas ng P116 na bawas kada 200 kwh na konsumo ng kur­yente, P173.25 na bawas kada 300 kwh, P231 na bawas kada 400kwh at P288.75 na bawas kada 500kwh.

Sa isang pulong-balitaan kahapon ng tanghali, sinabi pa ni Zaldarriaga na ang pagbaba ng singil ay bunsod ng magandang suplay ng kuryente na naranasan noong Agosto.

Bumaba rin aniya ang generation charge ng .44 sentimo per kwh, gayundin ang transmission charge na bumaba ng .04 sentimo per kwh.

Samantala, sinabi naman ni House of Representatives Committee on Energy Chairman Raynaldo Umali na tataas ang singil sa kuryente sa oras na maipatupad na ang agarang solusyon sa krisis sa kuryente sa susunod na taon.

Sinabi ni Umali pagkatapos ng pagdinig ng joint congressional power committee na aakyat sa 25 centavos kada kilowatthour ang singil sa kuryente.

Ang nasabing halaga ay base umano sa kuwenta ng Meralco kapag ipinatupad na ang Interruptible Load Program (IPL). Subalit nilinaw nito na hindi ito papasanin ng publiko dahil inirekomenda ng mga kongresista na tustusan ito ng mga Malampaya funds at inaasahang aabot ng 81 mil­yon ang gagastusin dito.

AGOSTO

AYON

BUMABA

ENERGY CHAIRMAN RAYNALDO UMALI

HOUSE OF REPRESENTATIVES COMMITTEE

INTERRUPTIBLE LOAD PROGRAM

JOE ZALDARRIAGA

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with