P102-B Manila-Bicol PNR rehab bidding sisimulan na
MANILA, Philippines - Ipapa-bid out na sa unang quarter ng 2015 ang P102 bilyon reconstruction at rehabilitation ng Philippine National Railways (PNR) south system na mag-uugnay sa Maynila at Kabikulan, sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP).
Kamakailan, sinabi ni DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya na ang proyekto ay malakas na isinusulong sa pambansang adyenda. Ang Bicol-Manila railway ay bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR) system na hanggang Ilocos region.
Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, napakahalaga ng PNR south railway system sa pag-asenso ng buong Luzon kaya pilit itong isinusulong ng Bicol Regional Development Council (RDC) na pinamamatnugutan niya.
“Bilang Bicol RDC chairman, binigyan ko ng diin na lubhang napakahalaga ng train system para sa Bicol dahil isinusulong din nito ang rural tourism, at daan din ito para makarating ang mga produkto ng Bicol sa Kamaynilaan,” pahayag ni Salceda.
- Latest