Tanod sanayin sa kalamidad
MANILA, Philippines - Hiniling ng isang kongresista na sanayin ang mga barangay tanod sa bawat distrito ay dapat na rin isinasailalim sa pagsasanay bilang paghahanda sa mga paparating na kalamidad sa bansa at sa ibat ibang uri ng aksidente.
Ayon kay Quezon City District Rep. Francisco “Boy“ Calalay, mahalagang mabigyan ng mga ganitong kaalaman at pagsasanay ang mga Barangay Tanod dahil sila ang mga unang dumarating at rumeresponde sa pinangyarihan ng krimen o sakuna.
Nagdaos sila ng kauna-unahang Barangay Tanod Skills Enhancement Program seminar na naisagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) para sa buong bansa at ang unang distrito ng Lungsod Quezon ang nabiyayaan nito.
Ang 3-araw na live-in seminar ay sumentro sa mahalagang papel ng mga Barangay Tanod bilang una sa pagresponde maging ito man ay krimen o sakuna at crime scene preservation na ginanap sa BSA Twin Towers sa Mandaluyong City kung saan naging pangunahing katuwang sina DILG-National Barangay Operations Office Director Leo Trovela at P/Senior Supt. Ranulfo Demia na proyektong ng European Union.
- Latest