^

Bansa

VP Binay hinamon ni Erice

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinamon ni Caloocan City Rep. Edgar Erice si Vice-President Jejomar Binay na sagutin ang mga akusasyon dito sa halip na magtago sa likod ng mga anak at mga kakampi.

Sinabi ni Rep. Erice, walang government administrator o pribadong sektor ang mangangahas na gumastos ng 2.7 bil­yon piso para lamang sa 11 floor parking at office building maliban lamang kung sira ulo ito o korap.

Wika pa ni Erice, ito umano ang dahilan kaya nagtatago si Binay sa kanyang mga anak dahil takot itong humarap sa Senado bunsod sa umano’y halata ang korupsyon at mahirap itong ipaliwanag.

Aniya, dapat magpa­salamat pa si VP Binay kina Sen. Allan Peter Caye­tano at Antonio Trillanes upang masagot nito ang mga akusasyon laban sa kanya at kanyang pamilya.

Iginiit pa ni Erice, kung nais nitong maging presidente sa 2016 ay dapat pumasa ito sa test tungkol sa integridad at katapatan dahil responsibilidad umano sa mga Pilipino at hindi mawawala ang akusasyong corruption kung hindi ito haharapin ni VP Binay. 

ALLAN PETER CAYE

ANIYA

ANTONIO TRILLANES

BINAY

CALOOCAN CITY REP

EDGAR ERICE

HINAMON

IGINIIT

VICE-PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with