^

Bansa

Babaeng armado ng baril hanap si PNoy

Ludy Bermudo at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang 36-anyos na ginang matapos magtangkang pasukin ang loob ng Malakanyang habang hawak ang isang kalibre .45 baril na kargado ng bala at isigaw na bumaba si Pangulong Aquino.

Sa ulat, dakong alas 3:30 ng hapon nang maganap ang insidente ng pagpasok sa Gate 2 ng Palasyo ng suspek na si Flora Nonato Pineda, biyuda, may isang anak, residente ng no. 3 Herbs, Signal Village, Taguig City at tubong Tuguegarao, Cagayan.

Narekober sa kaniya ang nasabing baril at mga bala at maliit na shoulder bag na pinaniniwalaang pinaglagyan ng baril.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Manila Police District-General Assignment Section ang suspek na isasailalim pa sa medical examination at posibilidad na isalang din sa neuro-psychiatric test para matukoy kung nasa tamang pag-iisip.

Nabatid mismo sa suspek na ang baril ay pag-aari ng kaniyang kapatid na miyembro ng Philippine Marines. Hindi umano alam ng kaniyang kuya na si Rolando Suyo Nonato, na ninakaw niya ang baril nito dahil magkalapit lamang sila ng bahay.

Wala din umanong nagtulak sa kaniya para magtungo sa Malakanyang.

“Walang kasalanan ang kapatid ko. Di niya alam na ninakaw ko ang baril niya. Hindi niya rin ako sinabihan na magpunta sa Ma­lakanyang. Nagpunta ako kasi sobrang kahirapan na ng bansa. Gusto kong  bumbaba na si Sir Noynoy sa puwesto,” ani Flora.

Handa umano siyang makulong nang kahit ilang taon sa ginawa niya subalit wala naman umano siyang sinaktan o nabaril dahil hangad niya lang na maipakita kay PNoy na siya ay galit sa kahirapan kaya dapat na itong bumaba sa puwesto.

Nang tanungin kung ano ang kaniyang trabaho, sinabi niya na isa lamang siyang katulong.

FLORA NONATO PINEDA

MALAKANYANG

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

NIYA

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE MARINES

ROLANDO SUYO NONATO

SIGNAL VILLAGE

SIR NOYNOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with