^

Bansa

Diskriminasyon sa OFWs pinasisilip

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines - Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR)  ang Kamara at ang Department of Foreign Affairs (DFA) na busisiin ang reklamo hinggil sa umano’y naganap na diskriminasyon sa hanay ng  mga overseas Filipino workers (OFW) mula Libya.

Partikular na pinaiimbestigahan ni CHR Chief Etta Rosales ang sinasabing sa sahig  lamang ng barko natulog ang mga OFW na na-repatriate mula Libya at hindi sila naasikaso ng sapat sa kabila na ang ibang mga banyaga pa ang sinasabing nasa maayos na kuwarto sa barko.

Idiniin ni Rosales na pinahahalagahan  ng kanilang ahensiya ang ginawa ng DFA para  matiyak ang kaligtasan ng mga OFWs na iuuwi sa Pilipinas mula sa Libya pero dapat din anyang isaalang-alang  ang mga karapatan ng mga tinaguriang bagong bayani ng kasalukuyang panahon.

Anya, may tinatawag na passenger bill of rights kung saan dapat na mabigyan sila ng patas na pagtrato sa kanilang karapatan bilang mga pasahero.

Sinabi ni Rosales na oras na busisiin ng Kamara at DFA ang usaping ito ay magsisilbing observer ang CHR hinggil sa naturang reklamo.

 

ANYA

CHIEF ETTA ROSALES

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HINIMOK

HUMAN RIGHTS

IDINIIN

KAMARA

PARTIKULAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with