^

Bansa

Tren ng MRT sumadsad sa EDSA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Higit 30 pasahero ang sugatan matapos sumal­pok at lumampas sa barrier ang nadiskaril na tren ng Metro Rail Transit (MRT) sa EDSA-Taft, Pasay City.

Ayon kay Pasay Police Chief, Sr. Supt. Florencio Ortilla, isinugod ang mga sugatang pasahero sa Pasay City General Hospital, San Juan de Dios Hospital at Adventist Medical Center.

Base sa report, naganap ang insidente pasado alas-3:00 ng hapon.

Galing ang natu­rang tren sa Magallanes, Makati City Station at patungo ng EDSA-Taft Avenue Station, subalit tumirik ito sa alanganing lugar dahil umano sa pagkawala ng power nito.

Ayon sa MRT management, hindi naman maaa­ring ibaba ang mga pasahero ng naturang bagon dahil sa alanga­nin ang lugar, kaya’t kinakailang maglagay ng bakal na barrier.

Subalit nadiskaril umano ang inilagay na barrier hanggang sa dumiretso ang unang bagon na pawang mga babae at matatanda ang sakay at lumampas sa barrier sa intersection ng EDSA-Taft at pinatumba ang ilang poste ng kuryente bukod pa sa ilang nasaging sasakyan.

Karamihan umano sa mga pasahero ay nasub­sob dahil sa lakas ng impact nang pagkakasalpok at sinasabing nagkaroon ng stampede.

Samantala, pinagpapaliwanag ng Palasyo ang DOTC dahil sa insidente at sa sunud-sunod na aberya ng mga tren ng MRT mula pa noong 2011.

vuukle comment

ADVENTIST MEDICAL CENTER

AYON

DIOS HOSPITAL

FLORENCIO ORTILLA

MAKATI CITY STATION

METRO RAIL TRANSIT

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY POLICE CHIEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with