^

Bansa

Binata dedo sa amok

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang binata nang pagbalingan itong saksakin ng nag-amok na lalaki sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang nasawi na si Leo Bermoy, 29, ng Palawan St., Phase 4, Lupang Pangako, Brgy. Payatas B., sa lungsod.

Ang suspek na pinaghahanap ngayon ng awtoridad ay nakilalang si Rey Eleazar Manuguil, residente din sa nasabing barangay.

Sa ulat ni SPO1 Cris Zadarriaga, nangyari ang insidente sa may Phase 3, corner Block 4, Lupang Pangako, ganap na ala- 1:30 ng madaling araw.

Sabi ng isang testigo, nagsasakay siya ng mga nakulektang plastic sa truck kung saan nakita niya ang suspek na sinaksak ang biktima.

Kahit sugatan, nagawa pa anya ng biktima na makatakbo papalayo pero hinabol pa ito ng suspek at ng maabutan ay saka mu­ling sinaksak sa katawan.

Ayon naman kay PO3 Jayson Tolentino ng Police Station 6, base sa imbestigasyon, bago ang insidente, nakatayo umano ang biktima sa lugar nang mapagdiskitahan ng suspek matapos na takbuhan ng isang grupo ng kalalakihan na siyang tunay na kaaway.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

CRIS ZADARRIAGA

JAYSON TOLENTINO

LEO BERMOY

LUPANG PANGAKO

PALAWAN ST.

PAYATAS B

POLICE STATION

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

REY ELEAZAR MANUGUIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with