^

Bansa

Lola lasog sa bus, apo himalang nakaligtas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na ka­matayan ang sinapit ng isang lola habang himalang nakaligtas ang 3-anyos nitong apo nang mabundol ng isang pampasaherong bus, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Kinilala ang nasawi na si Leticia Ocale, 63, residente ng Brgy. Tonsuya, Malabon City.  Isinugod naman sa Caloocan City Medical Center ang paslit na si John Michael Ocale, na himalang nagtamo lamang ng mga galos sa noo.

Agad namang na­dakip ang tsuper ng nakabundol na ALRO Bus Company na may plakang TYR-774 na nakilalang si Gerardo Maquirang, ng Letre, Brgy. Tonsuya, Malabon City. 

Sa inisyal na ulat ng Caloocan Police-Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa kahabaan ng C-4 Road, ng naturang lungsod.  Kabababa pa lamang ng maglolang Ocale buhat sa isang pampasaherong jeep nang masagi ng isang rumaragasang pampasaherong bus.

Napailalim sa naturang bus ang matanda at nagulungan pa habang tumalsik ang akay nitong apo sa gilid ng kalsada at nakaligtas sa kamatayan.

 

vuukle comment

BRGY

BUS COMPANY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

CALOOCAN POLICE-TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

GERARDO MAQUIRANG

JOHN MICHAEL OCALE

LETICIA OCALE

MALABON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with