^

Bansa

‘It’s more Fun in Libya than in the Philippines!’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dismayado si dating Catholic Bishops Confe­rence of the Philippines (CBCP) President Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa pahayag ng isang overseas Filipino worker sa Libya na hindi uuwi sa Pilipinas sa kabila ng kaguluhan at panganib sa Libya.

Ayon kay Cruz, mayroong hindi magandang nangyayari sa Pilipinas kaya mas minabuti ng libu-libong OFW na hindi sumama sa mandatory repatriation ng pamahalaan sa Libya.

Inihayag  ni Cruz na isa itong patunay na mas matindi ang problema sa Pilipinas lalo na sa kawalan ng trabaho at kawalan ng pagkakakitaan kaya ayaw umuwi ng bansa ang mga OFW sa Libya sa kabila ng giyera doon.

Naniniwala si Cruz na malaking kabiguan sa leadership ng Pangulong Aquino ang kawalan ng trabaho sa Pilipinas sa kabila ng pagmamalaki na umunlad ang ekonomiya ng bansa.

“Nakakasama ng loob yung sinabi ng OFW pero ibig sabihin tala­gang something is wrong in the country. It means something better must be done, it means a better leadership should be found, pagkat iiwan mo ang pamilya, asawa mga anak para lang pumunta sa Libya at pagkatapos duon ay katakot-takot ang panganib, may inaalipin, may ginagahasa, tapos sasabihin niya it’s better in Libya than in Philippines, to me that is a big affront to the country,” ani Cruz.

Bagama’t umiiral na ang mandatory repatriation sa Libya, 800 pa lang ang nakakauwing OFW sa Pilipinas mula sa mahigit 13,000 Pinoy doon.

Samantala, umaapela naman si Father Amado Baranquel, parish Priest ng Maria Immacolata Catholic Church sa Benghazi, Libya ng transparency sa pondo na ginamit ng pamahalaan sa repatriation ng mga OFW.

Sinabi ni Father Baranquel na malaking pondo sa repatriation ay napupunta lamang sa corruption ng mga opisyal ng pamahalaan partikular sa mga nagdaang repatriation ng mga OFW. 

vuukle comment

CATHOLIC BISHOPS CONFE

CRUZ

FATHER AMADO BARANQUEL

FATHER BARANQUEL

LIBYA

MARIA IMMACOLATA CATHOLIC CHURCH

PANGULONG AQUINO

PILIPINAS

PRESIDENT LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with