Pinoy sumabak sa giyera sa Iraq, Syria
MANILA, Philippines - Pinabeberipika na ng Malacañang ang ulat na may mga militanteng Filipino sa Iraq at Syria ang nakikipaglaban sa mga nasabing bansa.
Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, nakaalerto na ang Bureau of Immigration kaugnay sa sinasabing pagtungo pa ng ibang militanteng Pinoy sa Iraq at Syria para makipag-giyera.
“That’s why our Bureau of Immigration is very alert when it comes to those who are supposedly either going to Iraq, to Syria, or to other transit points kasi ayaw din naman po nating madamay po sila,” ani Valte
Sa ulat ng isang pahayagan, kabilang ang mga Filipino sa mga mamamayan sa Southest Asia na hinihikayat na makisali sa kaguluhan.
Sinabi naman ni Valte na hindi pa kumpirmado ang ulat na umaabot na sa 200 militanteng Pinoy ang nakikipaglaban sa Iraq.
“I am not familiar with the number, the report that I read did not have any specific number – the news report that I read for that matter,” ani Valte.
Nauna rito, may lumabas na ulat na may mga Filipino na tumungo sa Iraq at Syria na ngayon ay kasapi na ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
Pinatitingnan na rin ang mga naglabasang ulat na may mga Filipino na magtutungo sa mga nabanggit na lugar para makisali sa labanan.
- Latest