‘P9 M kickback ni Revilla’ – Luy
MANILA, Philippines - Umaabot sa P9 milyon halaga ng kickback mula sa mga transaksiyon sa mga pekeng NGO ni Janet Napoles ang nakuha ni Senador Bong Revilla na pinondohan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng naturang mambabatas.
Ito ang sinabi kahapon ng whistleblower na si Benhur Luy sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Sandiganbayan sa petisyon ni Revilla na makapagpiyansa kaugnay ng kinakaharap nitong kasong graft at plunder na merong kuneksyon sa PDAF.
Sinabi pa ni Luy na si Atty. Richard Cambe na tauhan ni Revilla ay regular na nagpupunta sa opisina ni Napoles para kunin ang sinasabing kickback ng mambabatas mula sa P40 milyong deal sa National Agribusiness Corporation (Nabcor) na ginamitan ng PDAF ni Revilla para sa ghost livelihood projects nito mula taong 2006 hanggang 2010.
“Paulit-ulit ang punta ni Cambe para kunin ang commission ni Senator Revilla,” pahayag ni Luy.
- Latest




















