^

Bansa

Bagyong Jose lumalakas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalong lumakas ang bagyong Jose habang binabagtas ang karagatan sa kanluran-hilagang kanluran ng bansa.

Base sa weather forecast ng Pagasa, alas-11 ng umaga, si Jose ay nasa layong 1,095 kilometers east ng Casiguran Aurora, taglay ang lakas na umaabot sa 185 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 220 kph.

Kumikilos ito sa pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 11 kph.

Sabado ng gabi nang pumasok ito sa Phl Area of Responsibility (PAR).

Paiigtingin ni Jose ang Habagat na magbibigay ng pag-ulan sa Mimaropa, Cental Luzon at Metro Manila sa Martes hanggang Miyerkules.

Ayon kay Jun Galang ng PAGASA Weather Fore­casting Section kung magtutuloy-tuloy sa pagkilos si Jose ay maaring makalabas sa PAR sa  Huwebes, at maaring tumbukin ang Japan.

May gale warning pa rin sa seaboards ng Northern at Central Luzon kaya pinapaalalahanan ang mga mangingisda at may maliit na sasak­yang pa­ngisda na iwasang puma­laot.

AYON

CASIGURAN AURORA

CENTAL LUZON

CENTRAL LUZON

HABAGAT

JUN GALANG

METRO MANILA

PHL AREA OF RESPONSIBILITY

WEATHER FORE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with