^

Bansa

115 AFP peacekeepers sa Liberia restricted na vs Ebola virus

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pagkalat ng mapanganib at nakamamatay na Ebola virus, limitado na ngayon ang galaw ng nasa 115 AFP contingent na nagsasagawa ng peacekeeping mission sa Liberia.

Ang bansang Liberia ay isa sa mga bansa sa West Africa na apektado ng outbreak ng sakit na Ebola na kinabibilangan rin ng Guinea at Sierra Leone kung saan 800 na ang death toll, ang pinakamatinding epi­demya ng sakit sa kasaysayan ng mundo.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala, binigyan na ng health advisory ang AFP peacekeepers sa Liberia na pinamumunuan ni Col. Glicerio Peralta bunga na rin ng posibleng panganib na maari ng mga itong kaharapin sa nakamamatay na karamdaman.

Kabilang naman sa mga ipinagbabawal ay ang paghalik sa mga hayop tulad ng unggoy, gorilya, chimpanzee, paniki at iba gayundin ang pakikipagkamay at paglapit sa mga taong nagtataglay o may sintomas ng nasabing karamdaman. Nabatid na bahagi ng kultura at tradisyon sa mga bansa sa West Africa ang pagyakap at paghalik sa naturang mga alagang hayop.

Paghuhugas ng ka­­may bago kumain, manatiling malinis sa katawan at paglalagay ng chlorine sa inuming tubig bago ito inumin.

Tiniyak naman ng opis­yal na wala ni isa man sa Phl peacekee­pers sa Liberia ang maysakit na Ebola base sa huling pagsusuri sa mga ito.

AYON

DAHIL

EBOLA

GLICERIO PERALTA

PUBLIC AFFAIRS OFFICE CHIEF LT

RAMON ZAGALA

SIERRA LEONE

WEST AFRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with