^

Bansa

Pinas mangungutang para mapunan ang P2.6T budget

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mapipilitan pa ring mangutang ang Pilipinas sa domestic bank at international funding institution upang mapunan ang P283.7 bilyong budget deficit para sa panukalang P2.606 trilyong national budget sa 2015.

Ayon kay Budget Sec. Butch Abad, ang kakulangan sa 2015 budget ay uutangin ng bansa sa domestic banks (86 percent) at ang balanse ay uutangin sa international source.

Mas mataas ang 2015 budget deficit kumpara sa 2014 budget deficit na tinatayang nasa P266 bilyon lamang.

Sa kabila nito, nanindigan pa rin ang gobyerno na hindi magpapatupad ng anumang new taxes upang mapataas ang koleksyon sa buwis maliban sa Sin Taxes sa sigarilyo at alak.

Inaasahan ang mas maigting na paniningil ng buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BoC) at iba pang tax collecting agencies ng gobyerno upang mapataas pa ang koleksyon nito.

 

AYON

BUDGET

BUDGET SEC

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

BUTCH ABAD

INAASAHAN

MAPIPILITAN

PILIPINAS

SIN TAXES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with