'Ginagahasa ni PNoy ang hustisya'
MANILA, Philippines — Bilang protesta laban kay Pangulong Benigno Aquino III, nagsuot ng kulay itim at pulang damit ang mga kawani ng Korte Suprema sa kanilang flag-raising ceremony ngayong Lunes.
"[President Aquino] is raping the lady in blindfold," pahayag ng Judiciary Employees Association ng Korte Suprema sa Maynila.
Tinutukoy ng grupo ang babaing nakapiring sa rebulto ng mataas na hukuman na nagsisimbolo sa pagiging patas ng hustisya sa batas.
Marami ang hindi natuwa sa pagpalag ni Aquino sa deklarasyon ng mga hukom na hindi naaayon sa Saligang Batas ang ilang bahagi ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).
Bukod dito, kinontra rin ng grupo ang panukala sa Kamara na naglalayong buwagin ang Judiciary Development Fund (JDF) na tinatawag ng mga mambabatas na pork barrel ng Korte Suprema.
Anila nasa P2,000 lamang ang kanilang natatanggap mula sa JDF, malayo sa nakukuha ng mga mababatas mula sa Priority Development Assistance Funds (PDAF) at DAP.
- Latest