^

Bansa

Patay kay Glenda pumalo sa 94

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumobo na sa 94 ang bilang ng nasawi sa pana­nalasa ng bagyong Glenda sa bansa.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umakyat din sa 317 ang mga nasugatan habang anim ang hindi pa makita.

Karamihan sa mga nasawi ay nabagsakan ng puno, poste at debris.

Pinakamaraming nasawi sa Region IV-A na nasa 67; dalawa sa Natio­nal Capital Region (NCR); walo sa Region III; lima sa Region IV-B; anim sa Region V; isa sa Region VI at lima sa Region VIII.

Lumobo na rin sa mahigit P7.3 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyo.

Nasa mahigit P1 bilyon ang halaga ng mga nasi­rang imprastraktura samantala P6.3 bilyon naman sa mga pananim, livestock at pasilidad.

Nasa P27 milyon naman ang pinsala sa mga gusali at paaralan.

Nasira rin ng bagyo ang kabuuang 111,372 kabahayan (27, 874 totally/83,498 partially da­mages) sa mga nasabing rehiyon.

 

AYON

CAPITAL REGION

GLENDA

KARAMIHAN

LUMOBO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

REGION

REGION V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with