^

Bansa

Mabigat na parusa sa magtatago ng bigas isinulong sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais ni Senator Joseph Victor “JV” Ejercito na patawan ng mabigat na parusa ang sino mang ‘hoarders’ o nagtatago ng bigas at mais.

Sa Senate Bill No. 2050 na inihain ni Ejercito, sinabi nito na mayroong krisis sa suplay ng bigas at mais  na itinuturing na pangunahing pagkain ng bansa at ma­laking epekto kung itatago pa ang suplay upang mas tumaas ang presyo.

Sinabi ni JV, marami pa rin aniyang mga tiwaling negosyante ang nagsasamantala ng sitwasyon kung saan hindi na ikinokonsidera ang kapakanan ng iba kaya mas mabilis na tumataas ngayon ang presyo ng bigas at mais.

Naniniwala si Ejercito na hindi na sapat ang parusang nakasaad sa Republic Act No. 7581 o Price Act laban sa mga nagtatago ng suplay ng pagkain.

Sa panukala ni Ejercito nais nitong patawan ng parusang hindi bababa sa sampung taon pero hindi lalampas sa 20 taon at multang mula P100,000 hanggang P5 milyon ang sinumang mapapatunayang nagtatago ng bigas at mais sa bansa.

Idinagdag ni Ejercito na maituturing na economic sabotage ang pag mamanipula ng presyo ng bigas at mais.

BIGAS

EJERCITO

IDINAGDAG

NANINIWALA

PRICE ACT

REPUBLIC ACT NO

SA SENATE BILL NO

SENATOR JOSEPH VICTOR

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with