^

Bansa

‘NPA warrior’ bagong Chief of Staff ng AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang heneral na na­ging tanyag bilang “warrior” ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napili ni Pangulong Benigno Aquino III  bilang bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP).

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala, si AFP Vice Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang ang inaprubahan ni PNoy bilang kahalili ni outgoing Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista.

Si Catapang at Bautista ay mag-mistah sa Philippine Military Aca­demy (PMA) Dimalupig Class 1981.

Si Bautista ay nakatakdang magretiro bukas (Hulyo 18) o dalawang araw bago ang ika-56 taon nitong kaarawan.

Nabatid na si Catapang ay dating nagsilbi sa AFP-Northern Luzon Command bago pa man ito natalaga bilang Vice Chief of Staff o 2nd man ng AFP at pinakahuli ay nahirang naman bilang ika–45 Chief of Staff ng AFP.

Naging tanyag si Catapang sa paglaban sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) partikular na noong Brigade Commander pa ito sa Central Luzon at hanggang maging hepe ng AFP Northern Luzon Command na siyang may hurisdiksyon sa Tarlac ang balwarte ng pamilya Aquino.

Ayon pa kay Zagala, maganda ang track record ni Catapang at suportado ng tropang militar ang pagkakatalaga rito bilang Chief of Staff.

AFP

ARMED FORCES OF THE PHI

AYON

BRIGADE COMMANDER

CATAPANG

CENTRAL LUZON

CHIEF

CHIEF OF STAFF

NEW PEOPLE

NORTHERN LUZON COMMAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with