Walang pasok sa Hulyo 29 para sa Eid'l Fitr
MANILA, Philippines — Bilang pakikiisa sa mga Muslim sa pagtatapos ng Ramadan, idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III ang Hulyo 29 bilang isang regular holiday.
Nilagdaan ni Aquino ang Proclamation No. 826 , alinsunod sa Republic Act 9177, kung saan idinedeklara ang naturang araw bilang regular holiday sa buong bansa.
Layunin ng proklamasyon ng Pangulo na makasama ng buong Pilipinas ang mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
"...to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Fitr to the fore of national consciousness," nakasaad sa kautusan.
Tatlong araw ipinagdiriwang ng mga Muslim ang Eid'l Fitr matapos ang isang buwan ng Ramadan.
- Latest